Monday, July 27, 2009

misteryo sa gubat

isang gubat ang senrto ng usapin sa isang baryo ,dahil sa ilang tao na raw ang nagsipuntahan sa gubat na iyon niisa ay walang nakabalik,ang gubat na iyon ay malayo sa baryo ,at madadaanan ng ilang sasakyan ,tinutungo ang lugar na iyon dahil sagana sa kahoy, maraming prutas kaya naiinganyo silang pumunta ,isang matanda ang nakapagsabi na sa gubat na iyon na sa mataas na bahagi ay may matandang puno na pagka laki laki ang sinasabing ugat ng pagkawala ng mga taong pumupunta doon, kamakailan lang isang tao ang pumunta roon upang mangahoy , ayon sa kaniyang pamilya bandang alas tres ng hapon siya pumunta at dumating ang alas siete ay hindi parin bumabalik, idinulog nila ito sa pulis ngunit kahit pulis ay natatakot naring pumasok sa gubat na iyon , dahil nga sa malawak at makapal ang puno, kahit sino ay maliligaw talaga... ang nasabing misteryo ng gubat ay nakarating sa siyudad ,kaya ilang reporter ang nagsulat tunkol dito, ngunit dahil sa walang makapagpatunay ay walang naniwala, kaya isang grupo ng mga estudyanting reporter ang nagsaliksik at naglakas loob na pasukin ang lugar ng misteryo.....dalawang kamera man isang babae na magrereport ,1 writer ,1 isang assistant at ang kanilang nagsisilbing alalay..
lima sila lahat ang makikipagsapalaran at tukuyin ang misteryo ng gubat..

ikalima ng agosto taong 1996 5 kabataan ang pumunta sa gubat dakong 8 ng umaga sila ay pumasok sa gubat.....lahat ay handa at nag alay ng dasal para sa mga di nakikitang nilalang at bilang pagbigay permiso sa mga elementong nakapaligid na sila ay papasok...,bago paman sila pumasok sa gubat ay may nakasalubong silang matanda, sa kalsada at nakatitig ito at kanilang hinintuan at tinanong " lola saan ba dito ang papasok sa gubat" ang matanda ay hindi umimik..muli ay kanilang tinanong..." lola saan po ba ang daan sa gubat may tutuklasin lang kami " at ang matanda ay sumagot " kalokohan ang pinaggagawa nyo alam nyo ba delikado ang lugar na iyon ,marami nang kinuhang buhay ang gubat kaya mas maiging bumalik na kayo....." nagmatigas ang mga bata " lola kaya nga pupuntahan namin tutuklasin namin ang nakatagong misteryo." ang matanda ay hindi sumagot at umalis nalang ..." ang kaya sila nagpatuloy nalang at narating nga nila ang pintuan papasok sa gubat animoy isang pintuan ang mga puno... lahat ay handa sa ano,mang mangyari ...pagpasok palang nila ay ramdam nila ng mga matang nakapaligid sa kanila at ang haging umiiba ng temperatura madilim ang gubat kahit tirik pa ang araw..nagsimula nang nagsalita ang kanilang reporter.." andito kami ngayon sa isang gubat sa baryo **** upangtuklasin ang sinasbing misteryo.. nakikita po natin na talagang madilim ang gubat kahit maaga pa " nagpatuloy sa sa pagsasalita ng biglang nahagip bigla ng kanilang camera ang dumaan na aninong itim kaya natigilan ang camera man sa pagkuha dahil tila ang anino ay tumingin sa kanya at nang mga sandaling iyon " o anthony anong problema bakit ka tumigil " ang taong ni kaye ang reporter " merong nahagip na anino ang kamera kaya ako tumigil " ng kanilang ni rewind ang camera meron silang nakita at isang batang maitim na biglang tumakbo..." kaya nga andito tayo para tuklasin natin akala ko ba ay handa tayo sa anumang mangyari ...kaya sila ay nagpatuloy ..nrating nila ang nasabing pinakamatandang puno at kinunan nila ito ....isang hagin ang umihip at sinundan ng ungol na hindi maipaliwanag....natigilan si kaye sa pagsasalita at ramdam nilang ang isang mabigat na enerhiyang bumabalot sa kanila....magkaganon pa man ay pinagpatuloy nila ang pagtuklas........ narating nila ang lugar kong saan may bahaging mabangin ..ng biglang may lumabas na mga malalaking paniki at inatake sila hinabol sila ng paniki hanggang narating nila ang isang kuweba ,,tinaka sana nilang pasukin ngunit ang kanilang naranasan ay sapat na upang ipaliwanag na ang gubat ay puno ng misteryo dahil sa may mga espirito ang namamalagi ,kaya naisipan nilang umuwi nalang......ngunit hinarangan sila ng 3 anino.... at nagsalita ito " narating ninyo ang aming pinagtataguan at gunambala ninyo kami hindi namin kayo papayagang lumabas kay isasama namin kayo ,,,bumukas ang maitim na lagusan at sapilitan silang kinaladkad sa lagusan ....at biglang nawala....




nakarating sila sa kabilang mundo ang ,mundo ng mga elemento , doon nakita nila ang ibat ibang klaseng nilalang at hindi nila alam ang manyayari ....sa kanila at bigla nalang silang inawang kung nong insekto ....at ibinalik sa mundo ng mga tao....

ang mga tao palang sinasabing nawawala ay nakakabalik namn iyon nga lang sa hindi na taong anyo............

Friday, July 24, 2009

Ang ingay sa dilim

Sa aming Bahay ,kinaumagahan napansin kong may tumotubong bundok ,hindi ko pinansin ewan basta ,lumaki paito hanggang sa nagdaang araw , napansin kong niisang damo ay walang tumubo , gabi nang akoy lumabas para mag pahangin ,nang biglang may nariringig ako sa likod ng kadiliman , kaya agad kong pinuntahan tila mga naglalaro ,maaga pa naman iyon kaya hindi ako natakot mga dakong alas 5 ng hapon nang tiningnan ko wala naman akong nakita ,medyo may kadiliman na kasi ang maga oras na iyon nang mismo nasa lugar ako kung saan ang ingay nagmumula ,ang ingay ng tila nagsasaya ay nawala........kaya bumalik ako sa harapan ng bahay....kinagabihan mga alas 9 ng gabi muli kong narinig ang ingay na iyon sinilip ko mula sa maliit na butas may naaaninag akong mga liwanag na maliliit ,bigla akong kinabahan ,sa aking mga nakita mga malilit na nilalang ......kina umagahan ay sinabi kay nanay ang nagyari kaya mga oras ding iyon ay nag alay kami ng prutas ,upang hindi sila mang gambala......